Sinimulan na ng National University (NU) ang kanilang limited face-to-face classes para sa mga kursong nursing at medical technology ng pamantasan.
Ayon kay Edison Ramos, regional director ng Philippine Association of Medical Technologist (PAMET) sa North Luzon at program chairperson ng Department of Medical Technology ng NU, tinitiyak nilang ligtas ang kanilang mga estudyante lalo’t masusi nila itong pinaghandaan.
Naipasa naman nila sa Commission on Higher Education (CHED) gayundin sa Department of Health (DOH), maging sa lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga kinakailangang dokumento para rito.
Isasagawa ang limited face-to-face classes sa loob ng apat na araw habang ipagpapatuloy naman ang klase via online sa loob ng 10 araw.
Maliban sa NU, nakapagsagawa na rin ng kanilang face-to-face classes ang st. Jude College, Emilio Aguinaldo College at University of the Philippines-Manila Campus.