Isinusulong ni Senador Grace Poe ang pag-amiyenda sa umiiral na public service act sa harap ng nakaambang pagtaas sa singil sa kuryente.
Giit ni Poe, magbibigay daan ito para sa mas mahusay at mababang presyo ng mga pangunahing serbisyo na tiyak na kailangan ng mga Pilipino ngayong sunud-sunod din ang rotational brownouts.
Paliwanag pa ng senadora, kailangang mapanatili ang maaasahan at abot kayang suplay ng kuryente, hindi lamang sa pagsugpo sa pandemya kung hindi sa muling pagbangon ng bansa.
Patutsada pa ni Poe, natatantiya at nagagawan naman ng kaukulang aksyon ang pangangailangan ng publiko lalo pa’t lumalaki na rin ang pangangailangan sa kuryente. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)