Nagpaalala ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa mga lokal na pamahalaan na kailangang i-automate na ang kanilang mga transaksyon gamit ang electronic business one-stop shops hanggang ika-17 ng Hunyo.
Ito ang inahayag ni ARTA Director General Atty. Jeremiah Belgica kasunod ng muling pagbuhay nito sa pagsasagawa ng surprise inspection sa mga lokal na pamahalaan maging sa national government agencies.
Ayon kay Belgica, hindi na optional ang streamlining efforts sa mga kawanihan at tanggapan ng pamahalaan dahil malinaw itong nakasaad sa nilagdaang ease of doing business act ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Una nang inireklamo ng ARTA sa tanggapan ng Ombudsman ang apat na opisyal ng register of deeds na nagpapatupad ng cut-off schemes at iba pang paglabag sa batas na nagpapabilis sa pakikipagtransaksyon ng publiko sa pamahalaan.