Hindi dapat magpakakampante sa kampanya laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ito, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, ay dahil hindi pa rin sapat ang suplay ng bakuna sa kabila ng umarangkada nang rollout ng milyun-milyong doses nito sa Pilipinas.
Bukod pa rito, nasa 2% hanggang 2.5% pa lamang aniya ng populasyon sa bansa ang nakakakumpleto na ng pagbabakuna laban sa virus.
Magugunita ring sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nananatiling “long and winding road” pa rin ang vaccination program sa bansa.