Mariing kinondena ng Human Rights Watch ang pagkamatay ng isang labor leader at isang football player dahil sa pampasabog na itinanim ng New People’s Army sa Masbate.
Batay sa pahayag ng HRW, ang pagkamatay ng mga biktima dahil sa itinanim na pampasabog ng npa ay isang katunayan na banta sa buhay ang presensya ng mga armas na ito sa mga sibilyan.
Giit ng HRW, dapat papanagutin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa mga korte sa buong bansa ang mga gumagamit ng anti-personal landmines na ipinagbabawal sa Pilipinas sa ilalim ng mine ban treaty.
Nasawi si Union Leader Nolven Absalon at Far Eastern University football player Kieth Absalon habang nakasakay ng bisekleta sa kahabaan ng Purok 4, Barangay Anas sa Masbate City nang sumabog ang isang explosive device na itinanim ng mga NPA.