Magdadagdag ng mga kama para sa COVID-19 patients ang Southern Philippine Medical Center sa Davao City, ang pinakamalaking COVID-19 referral center sa Mindanao.
Ayon kay DOH-Davao Regional Director Dr. Annabelle Yumang, umabot na sa 92% utilization rate ang kapasidad sa ospital kaya kinakailangan na itong dagdagan bago pa tuluyang mapuno.
Kaya mula aniya sa 408 ay iaakyat ito sa 600 gayundin ang mga kama umano sa Davao Regional Medical Center sa Tagum City na gagawing 288 mula 188.
Sa ngayon ani yumang, nasa “moderate risk” o 65.6% ang healthcare utilization rate ng Davao City habang nasa low risk naman ang region-wide o 57.7%.