Magbubukas na sa Hulyo ang bahagi ng Central Luzon Link Expressway o CLLEX mula Tarlac City hanggang sa intersection ng Aliaga-Guimba road sa Aliaga, Nueva Ecija.
Noong Mayo 15 sana bubuksan ang 18 kilometer na bahagi ng expressway subalit naunsyami dahil sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa Department of Public Works and Highways o DPWH malaking ginhawa ang idudulot ng CLLEX lalo sa mga bumibyahe sa Tarlac at Nueva Ecija.
Pinabibibilisan na rin ng DPWH. ang proseso ng pag-acquire ng right of way upang makumpleto ang proyekto bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.—sa panulat ni Drew Nacino