Nakapagtala ng kauna-unahang local transmission ng COVID-19 ang bayan ng Calayan sa Cagayan.
Ayon kay Mayor Joseph Llopis, naitala ang naturang kaso ng virus nito lang Martes, ika-8 ng Hunyo.
Nagpositibo ani Llopis ang isang Sanggunian Bayan (SB) member makaraang mahawa ito sa isa niyang bisita.
Mababatid na nakaranas pa ito ng lagnat na siyang sintomas ng COVID-19.
Matapos nito, ay agad na sumailalim ito sa antigen test at kalauna’y nag-positibo sa virus dahilan para mahawa naman ang kanyang mismong anak.
Batay sa tala ng lokal na pamahalaan ay umabot na sa anim ang naitalang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar.
Kasunod nito, tiniyak ni Mayor Llopis na naka-isolate na ang mga primary hanggang tertiary contact ng mga dinapuan ng COVID-19 para maiwasan ang pagkalat pa nito. —sa panulat ni Drew Nacino