Nasa 3.2 milyong doses ng COVID-19 vaccines ang inaasahang darating sa bansa bukas.
Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., bahagi ng nabanggit na bilang o tinatayang isang milyon ay Sinovac mula China na para sa A4 priority group ng gobyerno.
Aabot naman sa 2.2 milyon ang US-made Pfizer vaccines mula sa COVAX facility.
Dahil sa pagdating ng malaking bulto ng bakuna, asahan na anyang magiging normal ang supply nito simula sa susunod na linggo.
Samantala, humingi na ng paumanhin si Galvez sa mga Local Government Units dahil sa kakulangan ng supply at delay sa pagdating ng mga bakuna dahil sa logistical challenges.—sa panulat ni Drew Nacino