Nananatiling sapat ang supply ng kuryente.
Ito ang tiniyak ng Manila Electric Company o MERALCO sa kanilang mga customer sa kabila ng rotating brownouts na resulta ng biglaang power plant outages noong isang linggo.
Ayon kay MERALCO Spokesman Joe Zaldarriaga, 90% ng kanilang requirements ay mula sa kanilang bilateral contracts habang ang nalalabing 10% ay mula sa wholesale electricity spot market.
Nagkataon lamang anya ang rotating brownouts noong isang linggo at naapektuhan ang kanilang franchise area dahil bahagi sila ng Luzon grid na pinutakte ng red at yellow alerts bunsod ng pagpalya ng mga power plant.
Una nang isinisi ng Department Of Energy sa biglaang outages ng mga planta at kakulangan sa ancillary services na pag-aari o inooperate ng pribadong sektor ang rotating brownouts.—sa panulat ni Drew Nacino