Magbibigay ng libreng sakay ang MRT-3 sa Araw ng Kalayaan sa Hunyo 12.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito’y bilang pakikiisa ng ahensya sa paggunita ng ika-223 anibersaryo ng proklamasyon ng araw ng kasarinlan ng Pilipinas.
Makakasakay ng libre ang mga pasahero mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Ang pagdiriwang ng kalayaan ngayong taon ay may temang “Kalayaan 2021: Diwa sa pagkakaisa at paghilom ng bayan.
JUST IN: MRT-3, magbibigay ng libreng sakay sa Araw ng Kalayaan. | https://t.co/HHOy7zaafm https://t.co/VYCD9W840b
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) June 10, 2021