Inilarga na ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang isang proyekto kung saan maaaring ipagpalit ng mga residente ang kanilang mga basura para sa grocery points.
Layunin ng mobile materials recovery facility na matugunan ang problema sa basura sa Metro Manila, na maaaring maging sanhi ng pagbaha ngayong tag-ulan.
Maaaring ipalit ng mga taga-Metro Manila ang kanilang mga basura, tulad ng bote at dyaryo, sa Barangay o junk shop para makaipon ng points na magagamit pambili ng grocery items.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, napapanahon ang nabanggit na proyekto lalo’t napakalaking banta ng baha tuwing tag-ulan.
Nakikipag-usap na rin anya sila sa mga junk shop owner para upang idiretso sa kanila ang mga Barangay na magdi-dispose ng mga recyclable material.
Tatlong malalaking privately-owned landfill naman sa Metro Manila ang kinakausap ng kanilang ahensya upang pag-aralan ang sistema ng waste-to-energy.—sa panulat ni Drew Nacino