Inalmahan ng Department of Energy (DOE) ang pagsasabing “power crisis” ang naransang rotational brownout sa Luzon.
Sa pagdinig ng Senado, iginiit ni Energy Secretary Alfonso Cusi na ang rotational brownout ay resulta ng pagpalya ng mga planta.
Maliban pa ito sa hindi aniya pagsunod ng NGCP sa mga panuntunan upang matiyak ang sapat na suplay ng kuryente.
Ipinabatid ni Cusi na mayroong nakita ang ahensya na ‘di normal na pagbabawas ng kapasidad ng operasyon ng ilang planta dahilan para bumaba ang suplay ng kuryente.