Muling nagpaliwanag si ERC Chairperson Agnes Devanadera kaugnay sa inimbestgahang rotational brownout sa Luzon.
Iginiit ni Devanadera na dahil sa pumalyang planta ang naging ugat ng rotational brownout sa Luzon.
Mayroon aniyang maintenance outage na planado at aprubado ng Department of Energy ngunit lumagpas sila dito na nagresulta ng pagnipis ng suplay ng kuryente.
Maliban dito, sinabi ni Devanadera na 70% ng power plant sa luzon ay labing anim na taon na pataas.
Dahil dito, sinabi ni Devanadera na wala pa ring garantiya na hindi na mauulit ang naranasang rotational brownout sa Luzon.