Mass gathering ang itinuturong dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Eastern Visayas.
Ayon kay Dr. Exuperia Sabalberino, OIC regional director ng Department of Health Eastern Visayas Center for health and development, nakita sa kanilang isinagawang contact tracing na karamihan sa mga kaso ay mula sa mga pagtitipon.
Sa ngayon ay nasa ilalim ng general community quarantine na mayroong granular lockdowns sa ilang munisipalidad na may pagtaas ng kaso ng nakahahawang sakit.
Napagkasunduan din ng LGUs na paigtingin ang pagpapatupad ng minimum health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.