Tumaas na ang current average daily attack rate (ADAR) sa Dumaguete City, Negros Oriental kumpara sa attack rate sa National Capital Region noong kasagsagan ng COVID-19 surge.
Sa pagtaya ng OCTA research group, nasa 51.58 ang ADAR sa Dumaguete simula june 4 hanggang june 10.
Ayon kay Professor Guido David ng OCTA, nakababahala ang naturang bilang na napakataas para sa naturang lungsod kumpara sa 40 cases per 100,000 population sa NCR.
Ang ADAR ay porsyento ng indibidwal na nagpositibo sa COVID-19 kada 100,000 populasyon na sumailalim sa test.
Samantala, sumampa naman sa 280% ang average number ng COVID-19 cases sa Dumaguete mula sa 18 hanggang 70 per day. — sa panulat ni Drew Nasino.