Muling isasailalim sa dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Borongan City, Eastern Samar.
Simula bukas, ika-13 ng Hunyo ay ipatutupad ang mas mahigpit na MECQ upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.
Ipinag-utos na ni Borongan City Mayor Jose Ivan Agda ang pagbabawal sa lahat ng uri ng mass gatherings at pagpapasara ng mga tourist destination at recreational establishment.
Ipagbabawal din ang pag-inom ng alak sa publiko habang epektibo ang curfew hours simula alas otso ng gabi hanggang ala singko ng umaga.
Sa kasalukuyan ay mayroong 43 active cases sa lungsod kabilang na ang pitong fatalities. — sa panulat ni Drew Nasino.