Nananatiling suspendido ang trabaho sa municipal treasurer’s office ng San Antonio, Zambales simula pa noong Miyerkules matapos magpositibo sa COVID-19 ang walo sa kanilang empleyado.
Napilitan din ang ilan pang tanggapan sa munisipyo na mag-suspinde ng trabaho pero agad din nagbalik operasyon.
Sa ngayon ay mayroon ng 2,890 COVID-19 cases sa Zambales simula nang pumutok ang pandemya noong isang taon.
Nasa 706 ang active cases habang 2,123 na ang nakarekober at 60 na ang namatay. — sa panulat ni Drew Nasino.