Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbong senador ang “Wowowin” TV host na si Willie Revillame sa 2022 national elections.
Sa isang video message, ipinarating ng pangulo ang kanyang paghanga at pasasalamat kay Revillame.
Gayunman, wala pang tugon ang TV host sa alok ng punong ehekutibo.
Si Duterte ang chairman ng ruling party na partido demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan o PDP-Laban. —sa panulat ni Drew Nacino