Puwede ng simulan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa indigent population o mga nasa kategoryang A5 priority group gamit ang mga bakunang mula sa Covax Facility.
Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, chairperson ng National COVID-19 Vaccination Operations Center, hindi kasama sa alokasyon ng mga bakunang donasyon mula sa Covax ang para sa economic frontliners o A4.
Ang pwede lang anyang ibigay sa A4 sa NCR plus ay mga binili ng national, local at private sector habang ang mga donation ng Covax ay para sa A1, A2, A3 at A5 (indigents).
Kamakailan ay dumating ang halos 2.2 milyong doses ng bakunang Pfizer sa bansa. —sa panulat ni Drew Nacino