Sa nalalabing isang taon sa Malakanyang ni Pangulong Rodrigo Duterte, isa pa rin ang shabu sa pinakamalaking problema ng bansa.
Batay ito sa international drug report ng United Nations office on Drugs and Crime (UNDC) hinggil sa synthetic drugs sa Southeast Asia.
Ayon sa UNDC., ang crystal methamphetamine ang pangunahing dahilan ng pagkaaresto at treatment admissions sa Pilipinas noong 2020.
Sa halos 5,000 admissions na iniuugnay sa shabu noong 2019, mahigit 2,000 lamang ang nagpa-admit sa mga rehabilitation facility nang sumunod na taon batay naman sa datos ng dangerous drugs board.
Nasa 47,000 naman ang inaresto dahil sa shabu noong 2019 kumpara sa 57,000 noong 2018. — Sa panulat ni Drew Nasino.