Tikom ang Palasyo sa posibleng pagtakbo at paghaharap ni presidential daughter at Davao City Mayor Inday Sarah Duterte at Vice President Leni Robredo sa 2022 national elections.
Ito’y sa gitna ng patutsada ni Robredo sa COVID situation sa lungsod bagay na sinagot naman ni Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, desisyon na ng taumbayan kung sino ang iboboto sa mga nagpapakilalang kandidato.
Nasa kamay na rin anya ni Mayor Inday ang pagpapasya kung sasabak sa presidential polls. — Sa panulat ni Drew Nasino.