Ikinagulat ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) ang mga lumabas na malalaswa o di akmang salita na kasama sa mga modules at iba pang learning materials ng mga estudyante.
Sinabi TDC Sec. Gen. Emmalyn Policarpio, mayroon dapat na dinadaanang proseso bago makalabas o makarating sa mga estudante ang mga modules kaya naman kwestyunable aniya kung bakit nakalusot ang mga ganitong klaseng learning materials.
Hindi talaga nanggagaling doon sa itaas ang mga ibinababa dito sa amin, hindi siya dumadaan sa tamang proseso na dapat sana ay pinag-isipan hindi dapat nakakalusot ang mga ganitong pagkakamali, modus iyan e’ kapag nandiyan na ‘yan at naibigay na yan sa bata,″ wika ni Policarpio.
Dahil dito, may panawagan ang TDC sa Department of Education.
Sana po ay gawin na ng Department of Education yung tamang proseso, kasi dapat tiyakin nila kahit ang simpleng produkto ay dumadaan iyan sa quality control hindi dapat yan hinahayaan na basta-basta ilalabas, ″pahayag ni Teachers’ Dignity Coalition Secretary General Emmalyn Policarpio sa panayam ng DWIZ.