Malawak ang pinsalang dulot ng bagyong lando sa sektor ng pangisdaan sa lalawigan ng La Union.
Ito’y matapos igiit ng Provincial Agriculture Office na pumalo na sa 24 na milyong piso ang lugi sa fishery products sa probinsya gaya ng bangus at tilapia.
Isinisi naman ni Agricultural Officer Imelda Sannadan ang pagkalugi sa pag-apaw ng tubig sa mga fishpond at fish cages sa mga bayan ng Aringay at Sto.Tomas.
Tumaas naman ang supply ng bangus sa mga pamilihang bayan na ibinebenta sa murang halaga.
Ayon sa fish vendor na si Rhodora Nueva, mula sa dating P140 hanggang P160 per kilo bago nanalanta ang bagyo ay naglalaro na ngayon sa P50 hanggang P80 ang kada kilo ng bangus sa merkado.
By Jelbert Perdez