Ibinunyag ni dating senador Sergio Osmeña III ang katiwaliang kinasasangkutan ng Energy Regulatory Commission (ERC) at pakikipagsabwatan umano nito sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ito’y makaraang makaranas ng power outages ang Luzon kamakailan na isinisi naman ng Department of Energy (DOE) sa kabiguan ng NGCP na mag-generate energy reserves.
Ayon kay Osmeña, na dating senate committee on energy head, dapat ng magpatupad ng malawakang reporma sa ERC.
Kabilang na rito ang pagbuo ng panibagong regulatory body na mag-o-audit sa NGCP at iba pang power companies lalo’t hindi naman maaaring buwagin ang ERC.
Tila hindi anya kayang pasunurin ng ERC ang NGCP sa pag-generate ng kuryente dahil nasusuhulan ng malalaking power company. — Sa panulat ni Drew Nasino.