15% na ang itinaas ng kaso ng COVID-19 sa buong bansa sa nakalipas na dalawang linggo.
Ito ang nilinaw ng Department of Health sa kabila ng pagpatag ng mga kaso noong Mayo.
Ayon kay Dr. Alethea De Guzman, chief epidemiologist ng DOH, ang 15% case growth rate mula May 30 hanggang June 12 ay mataas kumpara sa naitalang -13% mula May 16 hanggang May 29.
Unti-unti ring tumataas ang average daily cases na naitala sa 6,609 kada araw mula June 7 hanggang 13 kumpara sa 6,558 kada araw mula May 31 hanggang June 6.
Sa kabila nito, nananatili anyang nasa ‘moderate risk’ ang buong Pilipinas habang nasa ‘safe zone’ ang ‘utilization rate’ ng healthcare facilities. — Sa panulat ni Drew Nasino.