Umakyat na sa 20,274 ang mga Pinoy na nasa abroad na nahawa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Foreign Affairs (DFA), nakasaad na umabot na sa 1,219 ang mga nasawi dahil sa sakit matapos itong madagdagan ng dalawa.
Habang 6,970 ang patuloy na ginagamot, at 12,085 na ang gumaling at nakalabas ng ospital.
Ang mga Pinoy sa abroad na tinamaan ng virus ay nasa 94 bansa o teritoryo.
Tiniyak naman ng DFA na tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa na apektado ng COVID-19 pandemic. — Sa panulat ni Hyacinth Ludivico.