Kumpiyansa ang Malakaniyang na walang kahihinatnan ang hirit na imbestigasyon ni outgoing ICC Prosecutor Fatou Bensouda sa umano’y patayan sa ilalim ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, para magkaroon ng patutunguhan ang nais nilang imbestigasyon, kailangan nila ng kooperasyon ng naturang bansa.
Dito pa lang aniya ay mabibigo na si Bensouda at mananatiling mga impormasyong walang batayan ang kanilang hawak.
Giit ni Roque, karamihan sa sources ng mga alegasyong binabanggit ni Bensouda ay galing sa media.