Nakapagsumite na ng vaccination plan ang nasa mahigit 25k lokal na pamahalaan.
Ayon kay Interior Undersecretary Epimaco Densing, makatutulong ang vaccination plan na ito para maging maayos at mabilis ang pagbabakuna sa bawat lokalidad.
Kaugnay nito, hinikayat ng DILG ang iba pang LGU na magsumite na rin ng kanilang vaccination plan lalo’t unti-unti nang dumadami ang dumarating na suplay ng bakuna kontra COVID-19 ng bansa.
Kasabay nito, humingi na rin ng pang-unawa si Densing sa mga lokal na pamahalaan na hindi pa nakakatanggap ng bakuna at tiniyak na hindi ito pababayaan.
Sa ngayon ay nasa 3,950 ang vaccination site sa bansa at target gobyerno na makapag tayo ng hindi bababa sa limang libong lugar kung saan maaaring magsagawa ng pagbabakuna.