Kibit-balikat lang si Department of the Interior and Local Government o DILG Sec. Eduardo Año sakaling itigil na ng Estados Unidos ang pagbibigay ng tulong nito sa Pilipinas.
Ito’y matapos maghain ng panukala si Pennsylvania 7th District Rep. Susan wild sa US Congress na humihimok sa kaniyang mga kapwa mambabatas na itigil ng Amerika ang mga pagbibigay tulong nito sa Pilipinas tulad ng mga armas dahil sa aniya’y talamak na paglabag sa karapatang pantao ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Año, matagal nang isinusulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng independent foreign policy ng Pilipinas.
Kaya naman sinabi ni Año, kailangang tumayo sa sariling paa ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagbili nito ng sariling armas at huwag umasa sa donasyon ng ibang bansa.
May mga nakalinya na aniyang programa ang dilg para sa revitalization projects ng Philippine National Police O PNP na aniya’y suportado naman ng dalawang kapulungan ng kongreso