Namemeligrong bawiin ng National Housing Authority ang mga awarded housing units sa mga recipient ng pabahay ng gobyernosa oras na mapatunayang nagbenta o nagpaparenta benepisyaryo.
Sa hearing ng senate urban planning, housing and resettlement committee na pinamumunuan ni Senator Francis Tolentino, inihayag ni nha General Manager Marcelino Escalada na ang naturang hakbang ay nakapaloob sa kanilang proposed charter para sa taong 2025.
Ayon kay Escalada, otomatikong kakanselahin ang award at ibibigay na lamang sa sinumang interesado kung bakante o mapatunayang nag-re-renta lamang ang mga nakatira dahil ang pangangailangan sa bahay ay wala na sa kamay ng orihinal na benepisyaryo.
Simula nang i-adopt ng senado noong 2018 ang isang joint resolution na nagbigay otorisasyon sa NHA na i-re-award ang mga un-occupied at un-awarded units, 55,000 non-occupancy units na sa buong ang bansa ang ini-award sa mga eligible citizen at 3,800 lamang ang nananatiling bakante.
Inirekomenda naman ni tolentino sa ahensya na pa-rentahan pansamantala sa iba pang homeless family at citizen ang mga bakanteng housing unit. — sa panulat ni Drew Nacino