Iminungkahi ni House Committee on Basic Education and Culture at Pasig Rep. Roman Romulo sa Department of Education (DepEd) na bigyan ng financial incentives ang private school teachers upang mapigilan sila na lumipat sa mga pampublikong paaralan lalo na ngayong may pandemya.
Ipinunto ni romulo na napipilitang lumipat ang mga private school teachers dahil mas malaki ang alok na sweldo sa state-run schools.
Aniya, ang mga pribadong paaralan ay nagiging training ground na lamang para sa mga guro na kalauna’y lumilipat sa pampublikong paaralan.
Sakaling maaprubahan ang mungkahi ni Romulo, sinabi ni Fr. Karel San Juan, presidente ng Ateneo De Zamboanga University, na dapat ding mabigyan ng financial incentives at assistance ang mga guidance councilors.
Samantala, tiniyak naman ni Education Undersecretary Tonisito Umali na mayroong ginagawang hakbang ang kagawaran upang mapigilan ang paglipat ng mga private teachers. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico