Lalo pang umaangat ang puwesto ng Pilipinas sa may pinakamabilis na internet connection sa buong mundo batay sa report ng may 2021 Ookla Speedtest Global Index.
Umangat ng 15 notch ang Pilipinas para sa fixed broadband o katumbas ng 58.72 megabytes per second.
Habang ang mobile speed naman ng bansa ay umangat ng 7 notch ngayong buwan kaya’t pumalo ito sa 31.97 megabytes per second.
Mula sa 180 bansa sa mundo, nasa ika-65 pwesto ang Pilipinas para sa fixed broadband habang ang nasa ika-77 naman mula sa 137 bansa para sa mobile speed.
Pangunahing dahilan ng malaking pag-angat sa ranking ng Pilipinas sa mga nakalipas na buwan ay ang pagsuporta ng administrasyong Duterte na pabilisin ang pagproseso sa mga permit na ibinibigay ng lokal na pamahalaan para mapabuti ang kanilang serbisyo.