Pinag-aaralan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pagdadagdag sa kapasidad sa mga pampublikong transportasyon kasabay ng pagluwag ng quarantine restrictions partikular na sa NCR plus.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, lima hanggang 10% dagdag sa kapasidad ang kanilang pinag-aaralan.
Wala naman aniyang problema sa mga stakeholders sa pagdadagdag ng kapasidad ng mga pasahero sa mga pampublikong sasakyan ngunit kailangan pa rin itong isangguni sa Inter Agency Task Force (IATF).
Sa ngayon ay umiiral ang 50% capacity sa mga pampublikong transportasyon sa NCR plus.
Bukod sa dagdag na kapasidad, pinag-aaralan din kung palalawigin o ititigil na ba ang libreng sakay sa mga manggagawa.