Samantalahin na ang huling isang linggo ng pagpaparehistro para sa 2016 elections.
Ito ang panawagan ng Commission on Elections (COMELEC) sa mahigit 2 milyong botante na wala pa ring biometrics.
Muli ring iginiit ng ahensya na wala ng extension o palugit ang deadline ng registration sa ika-31 ng Oktubre.
Dagdag pondo
Samantala, umapela ang COMELEC sa kongreso ng karagdagang pondo para sa mga gagamitin sa 2016 elections.
Sinabi ni COMELEC Chairman Andres Bautista na kailangan nila ng karagdagang 1 bilyong piso para matiyak na maidaraos nang maayos at sistematiko ang halalan.
Ani Bautista, sa transmission pa lamang kasi ng mga boto mula sa mga presinto patungo sa mga tabulation center ay aabot na sa P500 milyong piso ang kanilang gagastusin.
By Allan Francisco