Nagbabala si Anakalusugan Party List Representative Mike Defensor hinggil sa paggamit umano ng ilang milyong pisong allowance para sa mga health workers sa ilalim ng Bayanihan 2 law.
Kasunod na rin ito ng reklamo hinggil sa paggamit sa COVID-19 related activities ng P36 million na halaga ng allowances ng mga empleyado ng Philippine Orthopedic Center.
Ayon kay Defensor hindi uubrang gamitin ang nasabing pondo para sa allowance ng health workers dahil malinaw sa Bayanihan 2 Law na dapat bigyan ng dagdag na hazard pay, special risk allowance at iba pang benepisyo ng mga ito at mayruon aniyang hiwalay na pondo para sa pandemic response interventions tulad nang pagbili ng PPE o protective personal equipment.