Inihayag ng Canadian government na extended ang border restrictions sa nonessential travel sa Estados Unidos hanggang Hulyo 21.
Ayon kay Prime Minister Justin Trudeau, hangga’t marami pa ring kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa ay bawal munang tumawid ang mga mamamayan sa border nila patungong Amerika.
Sinabi ni Trudeau na nasa 20% pa lamang mula sa target nilang 75% ng populasyon ang nabigyan ng ikalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.
Kapag naabot na aniya ang kanilang target ay saka pa lamang luluwagan ang mga ipinatutupad na restrictions sa Canada.