Kinasuhan sa Office of the Ombudsman si Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham “Baham” Mitra dahil umano sa paglabag sa COVID-19 protocols sa Puerto Princesa City, Palawan.
Inireklamo si Mitra dahil sa hindi pagsusuot ng face mask sa ilang okasyon sa Puerto Princesa.
Kabilang dito ang pagdalo niya sa Balayong Fun Ride at Acacia Tunner Lighting noong Marso 6 kung saan ini-upload ang kanyang larawan sa Facebook account na nagpapakita na hindi siya nakasuot ng face mask at makaraan ang isang linggo sa COVID-19.
Kasong gross neglect of duty at negligence ang isinampa kay mitra dahil sa pag-ikot nito sa lungsod bilang authorised person outside resident pero nabigong sumunod sa minimum health protocols habang nasa ilalim ng heightened modified enhanced community quarantine ang siyudad.
Nakita rin umano ang dating gobernador na dumalo sa isang kasalan at nakisalo pa sa hapunan sa iba pang opisyal ng Palawan.
Bukod kay Mitra, nahaharap din sa kaso sa tanggapan ng tanodbayan si Puerto Princesa Mayor Lucilo Bayron dahil rin sa umano’y paglabag sa covid health protocol. —sa panulat ni Drew Nacino