Muling ipina-alala ng Manila Metropolitan Development Authority (MMDA) Na hindi pa rin pinapayaganglumabas ang mga edad 18 pababa kahit pinaluwag na ang restrictions sa National Capital Region.
Sa gitna ito ng pagdagsa ng publiko sa mga pasyalan upang magdiwang ng father’s day kasama ang mga menor-de-edad na mga anakkahapon.
Ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Chief, Atty. Cris Saruca, alinsunod sa Metro Manila Council resolution 2021-010, dapat ay “stay at home” ang mga menor-de-edadmaliban na lamang kung mahalaga o medical reason.
Dapat pa rin anyang sumunod sa mga health protocol lalo’t nananatili ang panganib na dala ng COVID-19.
Iginiit ni Saruca na mga magulang ang mananagot sa oras na mahuling nasa labas ang kanilang mga anak. —sa panulat ni Drew Nacino