Isang lalaki ang patay matapos tagain ng pinsan gamit ang palakol sa Iloilo.
Kinilala ang biktima na si Dennis Jayme, 48 anyos, residente ng Barangay Abangay, sa bayan ng Dingle.
Ayon sa Dingle Municipal Police, natutulog sa sofa ng kanilang sala ang biktima nang bigla pumasok ang kanyang pinsan at pinagtataga sa dibdib gamit ang palakol.
Naisugod pa sa ospital si Jayme pero idineklara itong dead-on-arrival matapos magtamo ng matinding tama sa dibdib.
Inaalam na ang motibo sa krimen habang hawak na ng pulisya ang pinsan ng biktima na nahaharap sa kasong murder. —sa panulat ni Drew Nacino