Labing pito (17) nang kaso ng nakakahawang Delta coronavirus mula sa India ang na-detect sa Pilipinas.
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan apat na kaso pa ang nadagdag kabilang ang returning overseas Filipinos mula sa MV Eastern Hope na barkong nakadaong ngayon sa South Korea.
Isa na aniya nasawi mula sa Delta variant at naka rekober na ang iba pa.
Ipinagmalaki ni Vergeire ang aniya’y epektibong pagpapatupad ng border controls dahil na-detect kaagad ang mga nasaging Delta corona variants mula sa mga biyahero o Pilipinong bumabalik sa bansa.
Una nang inihayag ng mga expert na ang Delta variant ay una nang natukoy sa India ay sinasabing mas mabilis makahawa at nagdudulot ng mas matinding sakit sa mga pasyente.