Sinisi ng anak ng 60 taong gulang na babae na nasawi dahil sa COVID-19 sa Rizal, Laguna ang quarantine facility sa pagkamatay ng kanyang ina na aniya’y hindi inasikaso rito.
Ayon kay Ann Tawatao naka-isolate sila sa naturang pasilidad simula pa Hunyo 17 matapos mag positibo sa COVID-19.
Nang bumaba ang oxygen level ng ina sa 60% sinabi ni Tawatao na kinailangan pa niyang sumigaw sa bintana para makahingi ng tulong kung saan dumating ang isang nurse at binigyan ng oxygen tank ang kanyang ina.
Kuwento pa ni Tawatao nakatanggap siya ng mensahe na ililipat ang kanyang ina sa isang ospital sa San Pablo bagamat sa mga oras na ito ay tumaas na sa 88% ang oxygen level ng kanyang ina.
At nang dumating ang ambulansya inihayag ni Tawatao na walang nurse, medic o kahit man lang wheelchair o stretcher.
Naka-quarantine sila aniya sa ikalawang palapag ng pasilidad at kailangan pang bitbitin ang ina para maibaba at maisakay ito sa ambulansya.
Makalipas ang ilang minuto ipinaalam sa kanyang dead on arrival ang ina sa ospital na ayon kay Tawatao ay malinaw na pagpapabaya sa kondisyon ng ina o hindi ito talaga inasikaso.
Tila hugas kamay naman si Mayor Vener Munoz ng Rizal, Laguna sa paninisi sa kanya at pagtawag sa kanyang mamamaay tao gayung nagmalasakit lamang siya para ihiwalay at hindi na makahawa pa sa kanilang mga kaanak ang mag ina na itinago pa ang pagiging COVID-19 positive.