Nasa 1,500 public utility vehicle (PUV) drivers at delivery riders ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Maynila kapalit ang P500.00 fuel card.
Ayon sa Office of the Vice President (OVP), nangyari ito sa unang araw ng proyektong vaccine express kung saan katuwang nila ang lokal na pamahalaan ng maynila.
Ang drive-thru COVID-19 vaccination services para sa mga tricycle, pedicab at delivery services drivers ay hanggang ngayong araw na lamang.
Nakipagtulungan ang OVP sa Seaoil Philippines at Shell Philippines para sa limang daang pisong gas cards.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, magpapatuloy ang vaccine express project sa Maynila kung saan ang mga market vendors naman ang magiging benepisyaryo nito. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico