Tuluy-tuloy ang pagpapauwi ng gobyerno sa mga OFW mula sa ibat ibang bansang apektado ng COVID-19 pandemic.
Sinabi sa DWIZ ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa 586 thousand OFW’s na ang nakabalik ng bansa.
Marami pa aniya silang i-uuwing OFW bagamat ang dumarating sa ngayon ay halos kalahati na lamang ang bilang ng mga ito mula sa dating mahigit 3,000 na sagot nila ang gastusin sa buong quarantine period ng mga ito.
Tuloy- tuloy na iyan kung hindi lini-limitan kasi ngayon lini-limitan from 1,000 to 1.500 maximum. Kapag hindi lini-limitan iyan aabot 3,000 kada araw, pati quarantine nila dinadala namin sila sa hotel. Tapos kung minsan ang hotel na pinalalagyan namin ay 5 star, nauubosan tayo ng hotel kasi sa daming OFWs at mga bisita na dumaratin sa bansa,” ani Bello sa panyam ng Balitang Todong Lakas