Magandang balita ang pagbaba ng 3,000 hanggang 5,000 nang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa kahapon na itinuturing na pinakamababang naitala sa buwang ito.
Ayon ito kay Dr. Ted Herbosa, medical expert sa national task force against COVID-19 matapos maitala sa 3,666 ang mga bagong kaso ng COVID-19 kahapon bagamat mayruon namang mga laboratoryo na hindi nakakaabot sa deadline sa pagsusumite ng COVID-19 data nila.
Sinabi ni Herbosa na good news din ang inaasahang pagdagsa ng supply ng bakuna simula ngayong linggo para mas bumilis at maparami ang mabakunahan kontra COVID-19.