Wagi si Wesley So sa 2021 Paris Rapid and Blitz Tournament.
Scintillating o kamangha mangha ang pagsasalarawan ng tournament observers sa naging performance ni So sa nasabing event.
Si So ay nakapagtala ng kabuuang 24. 5 points kung saan 12 points sa rapid at 12.5 points sa Blitz para padapain ang Russian player na si Ian Nepomniachtchi na nakagawa ng 21. 5 points.
Binigyang diin ng grandchesstour.org sa website nito na hindi lamang basta nanalo sa tournament si So kundi nananatili itong unbreakable o hindi magigiba.
Kabilang ang bucharest leg ng grand chess tour isang beses lamang natalo si So sa 36 matches nito.
Magugunitang si So ay umalis ng Pilipinas para katawanin ang Amerika sa mga international competitions.