Nanawagan si Sen. Grace Poe sa Inter-Agency Task Force o IATF on zero hunger na paigtingin pa ang ginagawang hakbang nito para labanan ang gutom at malnutrisyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Poe, posible kasing lumala ang sitwasyon kung saan, tataas ang bilang ng mga nagugutom na kabataan na mauwi sa malnutrisyon at magresulta sa kamatayan kung hindi maaagapan.
Nakatutok aniya ang atensyon ng pamahalaan para muling buhayin ang ekonomiya subalit tila napababayaan naman aniya ang usapin ng kagutuman sa bansa.
Batay sa pag-aaral ng world bank, nakararanas umano ng acute malnutrition ang mga kabataang Pinoy dahil sa COVID-19 pandemic na ang resulta ay makikita naman sa susunod na taon.—ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)