Welcome sa malakaniyang ang inisyatibang Build Back Better World ng tinaguriang G7 o mga mayayamang bansa sa mundo bilang pantapat sa One Belt, One Road Project ng China.
Gayunaman sinabi ni Rresidential Spokesman Harry Roque na bagama’t suportado nila ang nasabing hakbang ay mas kapani-paniwala ito kung maisasakatuparan na.
Ayon kay Roque, malaki ang naging pakinabang ng bansa One Belt, One Road Project partikular na sa aspeto ng imprastraktura.
Ang G7 ay kinabibilangan ng mga maimpluwensyang bansa sa mundo tulad ng United Kingdom, Amerika, Canada, Italy, France, Japan at Germany.
Magugunitang 2018 nang lumagda ang Pilipinas ng Memorandum of Understanding sa China upang maging bahagi ng kanilang Belt and Road Initiative (BRI).
Umaasa si Roque na lalo pang mapalalakas ng China ang kanilang infrastructure projects upang mas makinabang ang Pilipinas tulad ng pagpapalakas sa Build, Build, Build ng administrasyon.