Pinayagan ng Commission on Higher Education (CHED) ang 93 higher education institutions (HEI)’s sa bansa na magsagawa ng limitadong “face-to-face classes” sa kanilang medical-related courses.
Ilan sa sa mga insitusyong pinayagan ay mula sa metro manila na may 16 unibersidad at kolehiyo, 13 sa region 12, 12 sa region 4 at region12, pito sa Region 5 at Region 7, anim sa Cordillera Administrative Region, lima sa Region 5 at Region 9, tatlo sa Region 1 at Region 11, at tag-isang insitusyon sa Region 2, Region 3 at CARAGA.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero De Vera III, wala pang naitatalang virus transmission sa mga institusyon na nagsasagawa ng limitadong physical classes.
Sinabi pa ni De Vera na tinitingnan nila ang posibleng pagsasagawa ng limitadong face-to-face classes sa iba pang mga kurso. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico