Inilabas na ng Gilas Pilipinas ang 12 manlalaro na isasabak sa Belgrade, Serbia kaugnay sa Olympic Qualifying Tournament.
Kabilang sa mga ito ang 7-foot-3 na si Kai Sotto, Isaac Go, Jordan Heading, Geo Chu, Dwight Ramos, Mike Nieto, Sj Belangel, William Navarro, Justine Baltazar, Rj Abarrientos, Carl Tamayo, at ang naturalized player na si Ange Kouame.
Unang makakalaban ng Pilipinas ang powerhouse team ng Serbia sa a-primero ng Hulyo, 2:15am
Habang susunod na kakaharapin ng mga Pinoy ang Dominican Republic sa a-dos ng hulyo, 2:30am.
Hindi naman makakasama sa final cut mula sa pool sina Jaydee Tungcab, Javi Gomez De Liano at Lebron Lopez.
Magugunitang nanalo ang Pilipinas laban sa South Korea sa Fiba Asia Cup Qualifiers na ginanap sa Angeles City, Pampanga.